Sipat-Suri Ng MGA Bokabularyong Pangkalikasan sa ISLA Ng Dinagat
Sayson Cerrel D., Escultor Gemma R.Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makalap at maisalin sa Filipino ang mga bernakular na bokabularyong pangkalikasan ng Isla ng Dinagat upang magamit ng mga mag-aaral sa pagpapalawak ng kanilang bokabularyo. Gumamit ng paglalarawang disenyo ang pag-aaral upang ilarawan ang mga katawagang pangkalikasan ng mga lokal na residente sa Dinagat. Ginamit ang mga pamamaraan ng pagtatanong, pagmamasid, at Focus Groups upang makuha ang kinakailangang datos. Natuklasan na mayamang katawagang pangkalikasan ang matatagpuan sa Dinagat, na ang ilang mga salita ay katulad ng sa Filipino, habang ang iba naman ay may kaunting pagkakaiba sa tunog at baybay. Nakatulong ang glosaryong nabuo sa paglinang ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang pagsasalin ng mga bernakular na bokabularyo sa Filipino ay nagpapalakas sa wikang Pambansa at nagbubukas ng mas malawak na pag-unawa at pagpapahalaga sa likas na yaman at kultura ng Pilipinas. Inirekomenda na palawakin ang pag-aaral ng mga lokal na salita sa mga paaralan, ipagpatuloy ang paggamit ng mga katawagang pangkalikasan, at pasiglahin ang kolaborasyon sa pagitan ng mga akademiko, mananaliksik, at mga katutubong komunidad upang mapanatili at maisalin ang kaalaman sa susunod na henerasyon