DOI: 10.66074/j7y4m1z8 ISSN: 3116-3009

Pagkakaiba ng Paggamit ng Wikang Meranaw batay sa Henerasyon: Pananaw ng mga Gurong Generation X sa Konteksto ng Klasrum

Rohannie Mamongcal, Cherry Mae Villastique, Nadjerah Exsan, CJ Ann Bala, Alican Pandapatan

Ang bawat wika ay nagbabago sa bawat henerasyon, hal., Wikang Meranaw. Nilalayon ng pananaliksik na ito na alamin ang ugnayan ng wika at edad sa konteksto ng klasrum. Inalam ang paggamit ng mga mag-aaral sa Wikang Meranaw ng mga Gen Z at Millennials sa pamamagitan ng pananaw at karanasan ng mga gurong Gen X. Gamit ang kwalitatibong disenyo, partikular ang Phenomenological Approach, ay inilarawan ang pananaw at karanasan ng mga guro sa paggamit ng Wikang Meranaw. Lumabas sa pag-aaral na ang edad ay maaaring makaapekto sa paggamit ng wika sa paglipas ng panahon. Ilan sa naging resulta ng pag-aaral ay ang pagbabago sa estilo ng wika, bokabularyo, gramatika, pormalidad ng wika, at sa paraan ng pagsasalita ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, lumabas din sa pag-aaral na ang social media at teknolohiya ay may malaking impluwensiya sa pagbabagong naganap sa Wikang Meranaw ng bawat mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa konteksto at pananaw ng limang Gen X na guro sa paggamit ng Wikang Meranaw ng mga mag-aaral ng Gen Z at Millennials. Dahil dito, inirerekomenda ng mananaliksik na magkaroon ng mas malawak na pag-aaral at mas maraming bilang ng respondente upang mas makita ang pagbabagong naganap sa wika, partikular sa Wikang Meranaw, sa loob ng klasrum.

More from our Archive