DOI: 10.59588/3027-9283.1242 ISSN: 3027-9283

“Maria! Balbon Mo, Ahitin Mo!”: Ang Karanasan ng mga Pilipina sa Pagtanggal ng Buhok sa Katawan bilang isang Beauty Standard

Zakiya Clarisse Y. Carabuena, Julianne Krystoff B. de Leon, Rebecca W. Dionisio, Alliah Kristy A. Sato, Deborrah S Anastacio

Ang pagtanggal ng buhok sa katawan ng mga kababaihan ay naging isang pamantayan ng kagandahan na may malalim na ugnayan sa mga impluwensyang panlipunan at pangkulturang aspeto. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tuklasin kung bakit at paano nagpapatanggal ng buhok sa katawan ang mga kababaihan sa Pilipinas, pati na rin ang impluwensya ng mga pamantayang ito sa kanilang desisyon at karanasan. Gumamit ang pananaliksik na ito ng kwalitatibong metodolohiya, partikular na ang purposive sampling, upang makapanayam ang pitong (7) kababaihan na nasa edad 18-25 at mayroon nang karanasan sa pagtanggal ng buhok sa katawan. Ang mga panayam ay isinagawa gamit ang Zoom at inanalisa gamit ang thematic analysis. Lumitaw sa mga resulta na ang mga pangunahing dahilan ng pagtanggal ng buhok sa katawan ng mga kababaihan ay ang kanilang personal na kagustuhan, impluwensya ng social media, at ang presyur mula sa lipunan upang umayon sa mga pamantayan ng kagandahan. Ipinakita rin sa pag-aaral kung paanong ang mga gender norms ay may malaking papel sa paghubog ng pananaw ng mga kababaihan sa kagandahan. Sa konklusyon, ang pagtanggal ng buhok sa katawan ay isang halimbawa ng Gender Performativity, kung saan ang mga pamantayan ng kagandahan ay patuloy na pinapalakas at pinipilit sundin ng mga kababaihan dahil sa impluwensya ng lipunan at mga ideya ukol sa kagandahan.

More from our Archive