DOI: 10.66074/z5q1v9f2 ISSN: 3116-3009

Isang Kumbersasyong Analisis sa Turn-Taking ng Tatlong Henerasyon ng Kababaihan sa Isang Panayam

CJ Ann Bala, Maricel Esoy, Rohannie Mamongcal, Cherry Mae Villastique, Alican Pandapatan

Nilayon ng pananaliksik na ito na analisahin ang kumbersasyon ng kababaihan na mula sa tatlong magkakaibang henerasyon. Ginamit sa pananaliksik ang Conversational Analysis (CA) na nakaangkla sa mga prinsipyo nina Harvey Sacks, Emanuel Schegloff, at Gail Jefferson (1974) upang masuri ang mga linggwistik na pahiwatig at dinamika ng interaksyon sa isang panayam. Natuklasan sa pag-aaral na ang paggamit ng backchannels at fillers ay nagsisilbing mahalagang estratehiya upang mapanatili ang daloy ng usapan nang hindi inaagaw ang turno ng nagsasalita. Lumitaw din na ang overlap ay kadalasang kolaboratibo at ginagamit sa pagbuo ng kahulugan, pagpapakita ng pagsang-ayon, at aktibong pakikinig, samantalang ang interruption ay may dalawang anyo: bilang pagsuporta at bilang pag-agaw ng turno upang baguhin ang direksyon ng diskurso. Lumitaw rin sa pag-aaral na ang edad ay may impluwensiya sa turn-taking ng mga kalahok. Gayunpaman, napanatili pa rin na magaan ang usapan at kolaboratibo ang interaksyon ng mga kalahok, hindi itinuring na negatibo ang overlap at interruption, ngunit ito ay pagpapahayag ng pag-unawa, at pagrespeto sa pagpapahayag ng bawat isa. Sa kabuuan, ipinakita ng pag-aaral na ang overlap at interruption ay bahagi ng kolaboratibong paggawa ng kahlugan at pagpapanatili ng interaksyon.

More from our Archive