DOI: 10.66074/m9z3q7v5 ISSN: 3116-3009

E- Sulatek: Kagamitang Pantulong sa Pagwawasto ng Sulatin ng mga Mag-Aaral sa Dibisyon ng Camarines Norte

Ruffa Mae Magracia

Ang pag-aaral na ito ay naglayon na bumuo at sumuri ng isang kagamitang pantulong na tinawag na E-Sulatek, na idinisenyo upang mapadali ang pagwawasto ng mga sulatin ng mga mag-aaral sa Baitang 7 sa Dibisyon ng Camarines Norte. Nakatuon ito sa pagtukoy at pagsasaayos ng mga karaniwang kahinaan sa pagsusulat tulad ng tamang pagbabaybay, pagbabantas, at paggamit ng mga salita. Gamit ang modelong ADDIE bilang batayan sa disenyo, isinagawa ang isang sistematikong proseso mula sa pagsusuri ng pangangailangan hanggang sa ebalwasyon ng bisa ng nasabing kagamitan. Kinasangkutan ng pananaliksik ang mga piling mag-aaral at guro mula sa iba’t ibang paaralan sa nasabing dibisyon, kung saan isinagawa ang pre-test at post-test upang masukat ang epekto ng kagamitan. Ipinakita ng mga resulta na may makabuluhang pagtaas sa antas ng kaalaman sa pagsulat ng mga mag-aaral matapos gamitin ang E-Sulatek. Naging positibo rin ang pagtanggap ng mga guro at eksperto sa teknolohiya sa disenyo at nilalaman ng kagamitan. Ipinahiwatig ng mga natuklasan na ang E-Sulatek ay isang mabisang kasangkapan sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral at nakatulong sa mga guro sa mas mabilis at sistematikong pagbibigay ng puna. Iminungkahi ng pag-aaral ang patuloy na paglinang at paggamit ng E-Sulatek sa iba pang baitang at asignatura upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon.

More from our Archive